fabric markers x plainwhitee
Sino ka?
Hindi ko alam.
Hindi ko alam kung sino.
Hindi ko alam kung sino ba talaga ako.
Isang lalaking nakatitig sa salamin ng banyo.
Isang babaeng may hawak na yosi habang nakatitig sa kawalan.
Isang pamilya ang nagluluksa sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay sa hindi alam na kadahilanan.
Masyadong malayo ang pagamutan.
Ipasa-Diyos na natin ang kanyang kaluluwa.
Itim na damit.
Alam mo ba kung sino ako?
Traffic sa daan.
Sobrang daming tao.
Mainit na panahon.
Nagsisigawang mga tsuper.
“Hoy!” Pagbati ng isa sa kanyang kaibigan.
Nanlilimos na mga bata sa loob ng jeep.
Pilit ipapahid ang maduming kamay sa mga biyaherong galing sa trabaho.
Paglayo ng mga biyahero sa batang madumi.
“God knows, Hudas not pay”
Rosaryong nakasabit sa salamin ng jeep.
May nag-rarap sa radyo.
Tungkol sa pag-ibig at pagdiskarte sa babae ang laman ng kanta.
Puting damit.
Ako yung nakasakay mo sa jeep nung isang araw, na muntik nang ma-late.
Ako yung nahiyang maningil ng piso na sukli, dahil tinatamad ako.
Ako yung kumakanta sa videoke, dahil iniwan ako ng boyfriend ko 2 years ago.
Ako yung malakas magyosi na may katabing buntis, dahil stressed ako.
Ako yung mahilig mamboso sa internet, kasi wala akong tatay.
Ako yung matapang mong kaibigan, dahil mahilig kang magpautang.
Kami yung mga kabataang nakakakilala kay Kony, at mahilig kaming maglasing.
Ako yung kalaro mo sa internet.
Pumunta sa tahanan ni Amang Tiburcio.
May madreng sumakay sa jeep.
Nag-lalaro sa magarang mobile phone ang isang kabataan.
Isang grupo ng mga kabataan ang naghakot ng graba sa tinatawag nilang quarry.
Bumili sila ng lambanog at nagsalo salo nung kinagabihan.
Dilaw na damit.
Ako yung nag-post ng photo album nung wala akong magawa, dahil walang pumapansin sa akin.
Ako yung tibak tibakang kaibigan mo, dahil may gusto akong mangyari.
Ako yung nagbuhat ng 50lbs na dumbells kanina, kasi gusto kong magpalaki ng biceps.
Ako yung nagbabasa nung mga love stories, kasi hindi pa ako nagkaka-syota.
Ako yung nagpapanalo sa team ko kagabi! Isanlibo pusta!
Ako yung nagpapicture sa artista nung isang araw, para maipakita ko sa mga kaibigan ko sa internet.
Ako yung malakas uminom sa bar, gamit yung pera ng mayaman kong magulang.
Ako yung madaming alam, dahil concerned ako sa bansa.
Ako yung nagpaaral ng kursong narsing sa anak, dahil gusto kong pagandahin nila ang buhay nila.
Ako yung nagpasweldo sayo, sinong Palparan?
“Clear!”
Isang cardiac monitor na nagpapakita ng “flat line”
Wala akong anak na bakla!
Lumayas ka sa pamamahay ko!
Nagmukmok ang isang lalaki sa kanyang kwarto.
Malabo. Binuntal ng isang matandang lalaki ang isang batang lalaki.
Pulang damit.
Ako yung syota ng anak mo dati na nalimutan mo na dahil nag-hiwalay na kami.
Ako yung katulong niyo sa bahay na naglalaba ng mga panloob niyo.
Ako yung batang may kagustuhang maging doktor dati.
Kami yung pumalo sa anak niyo dahil ginusto niyang maging kasapi ng aming kapatiran.
Ako yung kabadong driver ng motorsiklo na muntik nang mabangga ng bus pagtapos naming mangholdap.
Ako yung nag-debut last night! And it was awesome!
Ako yung guro mo na binabastos mo habang nakatalikod.
“Ang mamatay ng dahil sa’yo..”
Mabilisang pagpapakita ng pagpipiyesta ng mga langgam sa isang ice cream na nahulog mula sa kamay ng isang bata.
Pagsikat ng araw.
Ako ang wawasak sa buhay ng kagubatan dahil kailangan ko ang kayamanan.
Kayamanan ang kailangan mo, hindi pag-ibig.
Mapapagalaw mo ang mundo sa salaping kikitain mo.
Hindi mo kailangan ng ka-ibigan sa edad mong yan.
Ako ang pagyanig na magpapabagsak ng mga bundok na tinitirhan niyo.
Ako ang malaking dam na bubuksan para lunurin kayo.
Ako ang kadiliman na sasakal sa iyo.
Ako nga pala si..
Sino nga ba ako?
Ewan ko.
Eh, ikaw?
Sino ka ba?
“Tayong lahat ay pupunta.”
“Sa tahanan ni Ama.”
Bughaw na damit.
old school.
pencil. fabric marker. white shirt. plantsa.
guguhit uli.
will draw again.
Rappler.com’s “Social media for social change” event at FEU last January :)
random robots
influencing myself to draw and paint again. good visuals
"gas-tos"
this is the link to our simple docu at pangasinan :)
I’m Looking for Young Creatives!
I’m working on a passion project and I need photographers, writers/bloggers, designers, illustrators, etc. Impress me! If you’re under 30, Please send in your resume and sample work to info@spellsaab.com with the subject: I AM CREATIVE.
This is really exciting for me and I’d like to include you in my plans! Please spread the word.
Love,
Saab

